PANATA NG ISANG TAGAPAGTAGUYOD
NG KARAPATAN AT PRIBILEHIYO NG MGA MAYKAPANSANAN

Ako, (banggitin ang pangalan) ay naniniwala na ang mga taong may kapansanan ay may karapatan rin na katulad ng tinatamasa ng bawat mamamayan ; na dapat igalang, pangalagaan at tuparin ng lahat, lalo na ng bawat namumuno sa ating mga pamayanan at lahat ng sangay ng pamahalaan.
Dahil dito, ako ay nangangako, sa abot ng aking makakaya, na magiging tagapagtaguyod ng kanilang mga karapatan at pribilehiyo, na naayon sa mga pandaigdigang kasunduan na nilagdaan ng ating pamahalaan, at mga batas na dapat ipatupad sa bansang ating tinatahanan;
Bilang isang tagapagtaguyod, ako ay magpapahayag ng madiing pagtutol sa mga gawaing magpapababa sa dignidad ng mga maykapansanan, lalo na sa mga bata at nakakatatanda ; at pigilan ang lahat ng uri ng pang-aabuso, panunukso at diskriminasyon ng dahil sa kanilang kapansanan;
Isusulong ko sa aking pamahalaang local at mga tanggapan ng mga pambansang kawanihan na aking kayang abutin na isama ang mga taong may kapansanan sa lahat ng programa at mga serbisyo upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay sa kanilang sariling pamayanan, sa piling ng kanilang mga pamilya;
Sisikapin ko na maging bahagi ng malawakang kampanya ng pagmumulat ukol sa kapansanan, kung paano ito maiiwasan at mapalakas ang bawat taong may kapansanan at ang kanilang mga samahan, bilang mga kaagapay sa pagbuo ng isang pamayanang nangangalaga, at gumagalang sa karapatan ng bawat mamamayan.
Bilang TAGAPAGTAGUYOD ng mga karapatan at pribilehiyo ng mga may kapansanan ako ay hihikayat pa ng mga tagapagtaguyod na bigkasin ang PANATANG ito, kasunod ang pagkilos upang makamit ang layunin tungo sa isang pamayanang nangangalanga para sa lahat.
Tulungan nawa ako ng MAYKAPAL.

LOYALTY PLEDGE OF AN ADVOCATE
OF THE RIGHTS OF
PERSONS WITH DISABILITIES

I, (state your name), believe that persons with disabilities have the same rights, enjoyed by other citizens, that should be respected, protected and fulfilled by all, especially by every community leader and head of all government agencies;

Because of this, I hereby pledge, to the best of my ability to advocate for their rights and privileges, in accordance with international treaties ratified by the Philippine government and all national laws that should be implemented by the State;
As an advocate, I will denounce all forms of negative actions that will put down their dignity, especially those of the children and older persons; and to stop violence, abuse, vilifications and all forms of discrimination on the basis of disability;
I will advocate in my entity/agency within my reach and competency their inclusion in all programs and services, to uplift their lives within in their own community, within their family; and within the society;
I will do my best to be a part of a massive campaign on disability awareness geared toward their empowerment and integration into the mainstream of society so they will become partners in nation-building; and
As an ADVOCATE of their inherent rights, I solemnly swear that I will encourage more advocates to recite this pledge, followed by affirmative actions in order, to realize our goals leading to a nurturing community for all.
So help me GOD…