Binigyan ng pagkikila ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko Antas I ang Pambansang Sanggunian Ukol sa Ugnayang Pangmaykapansanan (NCDA) bilang pagtalima sa Atas Tagapagpaganap Blg 355 at kabalikat sa paghahatid ng serbisyo publiko gamit ang wikang Filipino.
Naganap ang paggawad ngayong araw Agosto 30, 2023 sa Manila Metropolitan Theater, Lungsod ng Maynila at dinaluhan ng mga opsiyal at representante ng iba’t-ibang ahensiya ng pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan.
Kinilala ng Komisyon ang naging ambag ng NCDA na maidaos ang Webinar sa Korespondensiya Opisyal hanggang sa pagbuo ng Lupon sa Wikang Filipino (LWF), pagsasalin ng Misyon at Bisyon, at mga pangalan ng Tanggapan. Naging aktibo din ang ahensiya sa paggamit ng Filipino sa ulong-sulat sa mga opisyal na korespondensiya, memorandum, gabay ng kliyente, pormularyo, poster, at brochure.