“TUGS”

“Tamis ng Kahapong Nagdaan” part 1

ni: Lester D. Dayanghirang

Librong magpapaalala ng kahapon, mapapakinabangan ngayon, magagamit sa darating na panahon

Ito po ay isang aklat na nagsasalaysay ng unang bahagi ng aking buhay. Mga bahagi ng aking buhay na siksik ng saya mula sa mga karanasang naganap nung maiigsi pa ang aking mga binti at maliliit pa ang mga kamay. Na kung inyo pong babasahin ay may posibilidad na kayo ay mapangiti, mapatawa at mapawi ang pagkatamlay.

Bukod po rito ay nagtataglay din ito ng mga aral at paalaala na sa ating pamumuhay ay maaari nating magamit. Mga aral na sa kaabalahan natin sa mundo ay posibleng nakakalimutan na at nawawaglit. Pero dahil layunin po ng aklat na ito na ipaalaala satin ang mga kabutihang-asal na ito ay may tsansang kung isasapuso natin ito ay magdudulot ito ng magandang kapalit.

At panghuli po ay kapupulutan din ang librong ito ng mga kaisipang naglalahad at nagsasalarawan sa iba’t-ibang uri ng propesyon o hanapbuhay ng mga taong ating nakakasalamuha. Mga hanapbuhay na sa unang tingin ay aakalain lang natin na madali at puro ginhawa. Subalit kung pakakalimiin natin ang sakripisyo nila sa kanilang ginagawa na sa babasahing ito ay aking inilathala ay malalaman natin kung gaano sila karangal at kadakila.

Kaya sa inyo po na ngayon ay nakatingin sa librong aking pinaghirapan. Hiling ko po ay inyo sana itong tangkilikin at suportahan. Isa po itong aklat na ang hatid ay inspirasyon at positibong pananaw kahit pa may pagsubok na pinagdaraanan. Na mapapakinabangan natin ngayon at magagamit sa kinabukasan.

“Maaaring nawala man ang aking paningin, ngunit sa hamon ng buhay ay ako’y magpapatuloy pa rin.”

NOTE:

For orders of a copy of this book you may contact:
Mr. Lester D. Dayanghirang,
84 Malaking Pook, San Pascual, Batangas,
contact no.: 09159929251,
facebook: lester.dayanghirang,
e-mail: tugatoy@gmail.com